hindi ba parang sobra narin tayong niloloko ni Uncle Sam at ng kanilang mga Government controlled financial institution? bakit ba gusto nilang dependent nalang sa kanila ang ekonomiya at mapapalakad ng ibang bansa. wala na ba sila talagang mabuting maisip? sobra na ba talaga silang nabubulag sa kanilang ginagawa at iniisip nila na tama ang kanilang ginagawa?
Wala na rin ba tayong magagawa sa mga corporate media natin sa Pilininas na walang ginawa kundi mag bigay na hilaw na katotohanan sa kanilang mga binabalita. bakit hindi nila palawigin ang mga totoong dahilan at palalimin ang unawa ng mga tao, hindi ang pagresolba sa suliraning kung ano lang ang kasalukuyan.
At kung ano-anong kasinungalin balita ang nababasa at napapanood natin sa mga US controlled media outlet na ang dahilan ng mataas na bilihin at kakulangan ng pagkain ay ang mataas na demand mula sa China at India. Hihirit pa na dahil daw bio fuels.
bakit hindi ipaliwanag ng maindidihan ng mas marami ang totoong dahilan kung bakit ganito ang kalagayan ng ating bansa at ng buong mundo at sa unti-unti pag-babago ng kaisipan ng marami ay matutunan natin kung paano hindi tayo nagiging pabigat sa ating bansa... kung paano pinipilit manipulahin ng U.S. Gov't ang financial market sa pamamagitan ng presyo ng langis at food supply ng mundo. gaano ba kahalaga ang trade speculation sa US economy? kung bakit at paano pilit baguhin ng US controlled financial institution ang polisiya ng Pilipinas para sa pansamantalang solusyon at pahirapan ang buong bayan maglipas ng ilang taon.
profit parin ang iniisip ng mga ito, samantalang marami ng namamatay sa gutom at hindi kayang mag-pagamot dahil walang pera. macro-economic parin ba ang pag-uusapan natin dito at kung ano-anong market analysis... eh ang bottom line lang naman kung paano sila magkakaroon ng malaking profit at the expense of others?
read this link...( US, IMF role in Haitis food riots )
Saturday, May 3, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment